K-LIST

MY TOP 10 FAVORITE KOREAN ACTORS

“WE DON’T REPLACE OPPAS. WE COLLECT THEM.” Alam na alam mo yan kapag isa kang K-drama fanatic. Kapag marami ka na napanuod na drama for sure mga at least 10 oppas na ang sabay-sabay na crush mo. Sa bawat dramang natatapos natin may pagkakataon talaga na napapamahal sa atin ang karakter ng pinapanuod natin. Kaya naman pahaba na nang pahaba ang listahan ng favorite oppas natin.

April 2017 nung nagsimula akong maging K-drama fan at andami ko na naipon na mga paboritong oppa. Actually napakahirap gawin ng “TOP 10 FAVORITE KOREAN ACTORS” list ko na ito dahil sa madami nga sila na gusto ko. Heto na ang listahan ng 10 oppas na nanguguna sa fangirl heart ko at kung paano nila nabihag ang puso ko.

10. KIM MYUNG SOO (My Angel)

Una kong napansin ang galing niya sa pag-arte ng mapanuod ko siya sa THE EMPEROR: OWNER OF THE MASK (2017) pero mas lalo ko siyang minahal sa ANGEL’S LAST MISSION : LOVE (2019). Nafeel ko na pasok na siya sa Top 10 list ko dahil willing akong gumastos para lang makita siya.

ALSO READ : “COME WITH ME” : KIM MYUNG SOO IN MANILA

9. JUNG HAE IN (My Boyfie)

Nagka-second lead syndrome ako sa kanya sa WHILE YOU WERE SLEEPING (2017). Unti-unti kong napansin yung charm ni Hae In nung gumawa ako ng article sa Chingu To The World tungkol sa kanya. Tuluyan akong nafall sa kanya ng mapanuod ko siya sa ONE SPRING NIGHT (2019). Nabihag na nga niya ang fangirl heart ko at pumasok na siya sa Top 10 list after makita ko siya sa “ONE SUMMER NIGHT” : JUNG HAE IN IN MANILA.

8. KIM SOO HYUN (My Alien Heartthrob)

Una ko siyang napanuod sa MOON EMBRACING THE SUN (2012) at napakagaling naman niya talaga. Kaya naman nung napaiyak ako sa dramang yan at napakinggan pa ang pag-awit niya sa isa sa mga OST, pasok na agad siya sa listahan ko.

7. YOO SEUNG HO (My Master)

View this post on Instagram

새해 복 많이 받으세요 🙂

A post shared by 유명월 (@dandyoo93) on

Wala pa kong dramang napapanuod noon sa kanya pero kapag nakikita ko na ang mga pics niya sa mga social media nacucute-an na ko sa kanya. Una kong pinanuod na drama niya ang REMEMBER: WAR OF THE SON (2015) at tuluyan naman akong nainlove sa charm niya sa I’M NOT A ROBOT (2017). Isa si Seung Ho sa mga oppa na nakakapagpaiyak sa akin dahil nadadala ako sa galing niya sa akting.

6. SONG JOONG KI (My Big Boss)

Isa siya sa mga kauna-unahang oppa ko nung nagsisimula pa lang ako sa K-drama land. Sino ba naman ang di mafafall sa charm ni Big Boss sa DESCENDANTS OF THE SUN (2016)? Alam kong love na love ko si Joong Ki dahil pati sa pagtulog ko napapanaginipan ko ang character niya sa DOTS.

5. LEE JOON GI (My 4th Prince)

Si Joon Gi ang pinakaunang main oppa ko at ang karakter niya as Wang So sa MOON LOVERS: SCARLET HEART RYEO (2016) ang isa sa mga favorite K-drama character ko. Sa lahat ng mga oppa ko siya ang pinakagusto ko ang speaking voice, ewan ko ba pag naririnig ko siyang nagsasalita kinikilig na ako.

4. SEO IN GUK (My Bebe)

View this post on Instagram

미리 메리크리스마스🎄

A post shared by 서인국 Seo In Guk (@seo_cccc) on

Una ko siyang napansin sa THE MASTER’S SUN (2013) at sobrang nagalingan ako sa kanya sa THE SMILE HAS LEFT YOUR EYES (2018). Naaliw ako ng bongga sa kanya sa REPLY 1997 (2012) at doon nagstart yung interes ko sa kanya. At nagsimula na ko panuorin yung iba pa niyang palabas. After kong mapanuod ang SHOPPING KING LOUIE (2016), ang taas ng inakyat ni In Guk sa listahan ko. Iba yung naging epekto niya sa fangirl heart ko.

3. SEO KANG JOON (My Robot)

View this post on Instagram

허이짜

A post shared by 서강준 (@seokj1012) on

Una ko siyang minahal as Baek In Ho sa CHEESE IN THE TRAP (2016) at mas lalo akong na-inlove sa kanya as Nam Shin sa ARE YOU HUMAN TOO? (2018). Si Kang Joon ang dahilan kung bakit napakamemorable ng fangirl life ko. Sa “THE LAST CHARM” : SEO KANG JUN IN MANILA nangyari ang best 10-seconds of my life as fangirl. He will always be part of my happy fangirling life.

2. PARK HYUNG SIK (My Bebelove)

View this post on Instagram

#Goodbye 🎼

A post shared by 박형식 / Park Hyungsik (@phs1116) on

Pagkapanuod ko pa lang sa STRONG WOMAN DO BONG SOON (2017) na-inlove agad ako kay Hyung Sik. Siya yung kauna-unahang oppa na kinikilig ako pag pinag-uusapan siya. Naaalala ko pa nung napanuod ko siya sa HWARANG: THE POET WARRIOR YOUTH (2016) dahil hindi siya pinili ng female lead naging affected ako na nasaktan siya kaya naman hanggang ngayon di ko pa rin feel yung FL na yun. PHS will always be my baby.

ALSO READ : PARK HYUNG SIK FUN MEET IN MANILA

1. LEE SEUNG GI (My Love)

View this post on Instagram

리틀포레스트…💙#sbs#리틀포레스트

A post shared by 이승기 Leeseunggi (@leeseunggi.official) on

Bakit siya ang number #1 ko? Kasi siya si Lee Seung Gi ang “The Triple Threat Entertainer”. Mag-iisang taon na ko as K-drama fan nung una ko siyang mapanuod sa GU FAMILY BOOK (2013). Pero tuluyan ako nabaliw sa kanya sa MASTER IN THE HOUSE. Sa lahat ng mga oppa siya ang pinaglaanan ko ng maraming oras : Kdramas, Movies, Variety Show pati na din pakikinig sa mga songs niya. Kung papipiliin ako ng isang oppa lang di ako magdadalawang isip na sabihin na si LEE SEUNG GI. Di ko man ma-explain in words pero nararamdaman ko na si Seung Gi ang #1 sa fangirl heart ko.

ALSO READ :

Parehas ba tayo ng mga gusto? Feel free to share your list of favorite korean actors!

Let’s connect!

Facebook | Instagram | Twitter

17 Comments

  • www.WanderWoMom.com

    inantay ko si Binnie, PSJ at Bogummy.. baka nasa ibang category pala sila nyahahaha.. si Seo Hyun at In Guk eh hahahaha!!!! siguro napanood ko na din yung iba.. pero di ko lang naalala!

  • Christian Foremost

    Girl, iba talaga yung mukha ni Kim So Hyun. Woooo. Did it get hot in here. Lol. I live collecting oppa din and ang daming oppa na wasn’t including in your list. Masyadong onti ang ten. Hahaha. Ngayon though, isa lang ang nilalaman ng puoso ko and that is Bright Vachirawit. Huhuhu

  • Mumshie Nica

    Ako ang pinakagusto ko sa mga nilista mo ay si Song Joong Ki, sobrang gwapong gwapo ako sa kanya, una ko syang napanood sa The Innocent Man, dun pa lang love at first sight na eh lol. Pero hindi ko masyadong sinubaybayan, di ko nga natapos, kase ayoko ng heavy drama, so yung sa DOTS ayun sobrang kinaadikan ko yun, mga thrice ko na napapanood at gusto ko pa ulit panoorin 😀

  • Bella K.

    Seo Kang Joon sakin 💚 Nainlove ako sakanya instant sa AYHT hahaha. Una ko na siyang napansin before sa Cunning single lady tsaka yung sa suspicious housekeeper with kim so hyun kase nakikita ko sakanya non si Rain. Pero iba pala yung dating ni Namshin3 haha. Ngayon kolang nakita mga reviews niyo po and naghahanap din ako ng recommendations now. And not to mention yung proudest fangirling moment niyo huhuhu sooo lucky and happy for u ate. Wow talaga! Bat ba kase ang late ko, kung alam kolang na pumunta pala siya dito huhu. Dahil sakanya, balik kdrama na tuloy ako ulit hihihii 😆

  • Kai

    Seo Kang Joon sakin 💚 Nainlove ako sakanya instant sa AYHT hahaha. Una ko na siyang napansin before sa Cunning single lady tsaka yung sa suspicious housekeeper with kim so hyun kase nakikita ko sakanya non si Rain. Pero iba pala yung dating ni Namshin3 haha. Ngayon kolang nakita mga reviews niyo po and naghahanap din ako ng recommendations now. And not to mention yung proudest fangirling moment niyo huhuhu sooo lucky and happy for u ate. Wow talaga! Bat ba kase ang late ko, kung alam kolang na pumunta pala siya dito huhu. Dahil sakanya, balik kdrama na tuloy ako ulit hihihii 😆

    • Fangirl Clang

      Kahit medyo kulang budget ko nun ginawan ko paraan para lang makita si SKJ. Buti na lang nakapunta ako at nangyari ang best moment ng fangirl life ko.

      • Bella K.

        Na doble ata comment ko lol sorry.

        Oo nga po. Best fangirling moment ever! Thanks for sharing po 😊

  • blair villanueva

    Geez I think I am old coz I don’t know these dudes! Maybe I’ve seen their movies but don’t know their names (hirap kayang I-pronounce!).

  • Wendyflor

    natawa ako sa We don’t replace oppas, we collect them…. I don’t know Lee Sung Gi but because he is your No. 1, I might check him out, too.

Leave a Reply