FANGIRLING

“One Summer Night” : Jung Hae In in Manila

One Summer Night (Jung Hae In Fan Meeting Tour 2019)
September 28, 2019
New Frontier Theater

JUNG HAE IN IN MANILA

PRE-FANMEET STORY

Naguguluhan ako kung sino ang pupuntahan ko Jung Hae In ba o si Park Hae Jin? Yung tipong gusto ko sana puntahan silang dalawa kaso kulang ang budget ko. So need kong pumili kung sino ang mas gusto ko sa kanila. That time mas matimbang si PHJ dahil na rin siguro sa mas nauna ko siyang napanuod sa K-drama. Pero medyo naguluhan ako nung gumawa ako ng article sa Chingu To The World tungkol kay JHI, sinabayan ko pa ng panunuod ng One Spring Night. Masyadong ginulo ni Hae In ang listahan ko ng mga oppa.

 

 

Nagbakasali na naman ako at sumali sa mga online give-aways at heto ang entry ko.

 

Bakit ko love si Jung Hae In? Nafall ako sa charm niya, sa smile niya at ang sarap lang titigan ng kanyang mga mata. Mga picture pa lang yan nakakainluv na… at pramis pag napanuod nyo mga drama nya mafafall din kayo tulad ko. @ChinguWorld @WilbrosLive #JungHaeInMANILA2019 — Clang Clang (@claisarica) September 2, 2019

 

Minalas ako at di nanalo. Kaya naman balak ko ng bumili ng ticket day before ng fanmeet, pero buti na lang nabigyan ako ng biyaya mula sa Chingu. Maraming salamat sa libreng VIP ticket para sa Jung Hae In in Manila fan meeting.

 

D-DAY!

I don’t know how to explain yung feeling ko before ko makita si Jung Hae In. The truth is di ganun katindi yung excitement ko compare dun sa mga naunang fanmeet na pinuntahan ko. Maybe because andun pa lang ako sa stage ng pagkilala kay Hae In. Pero anyare sa akin? The moment na lumabas si JHI sa stage kinilig ako ng bongga. From the start hanggang matapos ang fanmeet, sobrang kilig ng fangirl heart ko. Yung smile niya talaga eh, nagayuma yata ako nun.

 

 

JUNG HAE IN IN MANILA FANMEET VIDEOS

 

OVERALL FANGIRLING EXPERIENCE

Sa lahat ng napuntahan kong fanmeet ng 2019, kay Jung Hae In ako kinilig ng sobra. Pramis, yung ngiti niya talaga di ko makalimutan. After nung gabing yun, Hae In is now on my Top 10 Oppa list na, at yung feeling na siya yata ang Bias Wrecker ko. And lastly, Jung Hae In’s smile melts my fangirl heart.

 

YOU MIGHT ALSO WANT TO READ : “The Last Charm” : Seo Kang Jun in Manila

 

Let’s connect!

Facebook | Instagram | Twitter | Pinterest

2 Comments

Leave a Reply