FANGIRLING

Park Hyung Sik Fun Meet in Manila

Park Hyung Sik Fun Meet / Park Hyung Sik Meet & Greet
SM MOA Arena / Trinoma Activity Center
February 16, 2019 / February 17, 2019
#ParkHyungSikForBench

 

FUN MEET ANNOUNCEMENT / FUN MEET INVITES

Nung unang fan meet ni Park Hyung Sik sa Manila (2017 Park Hyung Sik First Love in Manila), 6 na buwan pa lang ako nun sa mundo ng K-drama at 2 buwan pa lang akong fangirl ni PHS. Dahil wala pa ko kaalam alam sa mga fanmeeting kaya maraming beses akong nag-isip kung pupunta ba ko o hindi, pero deep inside gusto ko talaga kung may makakasama lang ako. So ang ending, di ako pumunta pero andun yung humihiling ako na sana bumalik ulit siya.

 

Ganun na lamang ang tuwa ng fangirl heart ko nung nag-announce si BENCH na darating sa Pinas si Park Hyung Sik. Di ko na talaga palalagpasin ang pagkakataon na ito na makita ang isa sa mga Ultimate Oppa ko. I-share ko lang yung isa sa mga fangirling moment/experience with one of my favorite oppa.

 

 

Grabe yung kaba at di ako makapagconcentrate sa work habang iniisip kung saan ako makakakuha nung Fun Meet invites. Ang bilis maubos ng VIP at need ko pa tumawag sa mga BENCH stores kung may available pa sila na invites. At ganun na lang ang saya ko ng makakuha ako nito sa BENCH Sta. Lucia East Grand Mall. Salamat nga pala sa nanay at kapatid ko at sila ang ginulo ko para lang makakuha ng VIP Fun Meet Invites at sa mga officemates ko na nagpabili ng mga BENCH items.

 

FANGIRLING PA MORE

Syempre, para feel na feel ko ang fangirling moment ko with my Bebeloves dapat may Couple Shirt kami.

 

Nahihiya man ako pero para sa chance maka-selca si Oppa gagawin ko ang lahat. Yung hirap akong ipwesto ang camera kasi mag-isa lang ako kumuha nyan.

 

Valentines Day pero ok lang na wala na naman ka-date, ang mahalaga may 2-day post valentine date ako with Hyung Sik.

 

Medyo naging active sa SNS sa sobrang excited na makita si Bebelove.

 

PARK HYUNG SIK FUN MEET D-DAY!

Di ko akalain na mararanasan ko din pala ang maghintay sa napakahabang pila makita lamang ang aking iniidolo. Salamat pala dun sa mga nakilala ko na nagpasingit sa amin sa pila.

 

 

 

Sobrang nakakapagod ang pumila at maghintay ng ilang oras… pero pramis the moment na nakita ko si Park Hyung Sik napawi lahat ang pagod ko. Yung saya na lang ang naramdaman ko.

 

Dagdag sa mga collectibles ko ng mga oppa related items.

 

MEET & GREET

Pangalawang araw ng date namin ni PHS.

PARK HYUNG SIK FUN MEET IN MANILA HIGHLIGHTS

 

Overall, pangalawang fanmeet experience ko ito… oo, nakakapagod siya pero keri lang, ang mahalaga nakita ko ng malapitan ang isa sa mga Ultimate Oppa ko. Yung makita ang ngiti at marinig ang boses niya sapat na yun para mapawi lahat ang pagod ko nung araw na yun. Sana hindi yung ang first and last na makita ko siya. Dapat na magkita ulit kami di pa kami nakapag hi-touch eh.

 

YOU MIGHT ALSO WANT TO READ :Β “Paradise” : Yook Sung Jae in Manila

 

Yung ilang araw din akong may hang-over sa Park Hyung Sik Fun Meet.

 

Let’s connect!

Facebook | Instagram | Twitter | Pinterest

Leave a Reply

%d bloggers like this: