yook sung jae in manila
FANGIRLING

Yook Sung Jae in Manila: My “Paradise” Experience!

BTOB’s maknae and vocalist, Yook Sung Jae, held his first solo fan meeting entitled “Paradise” last July 13, 2018 at the ABS-CBN Vertis Tent.

 

yook sung jae in manila

 

First ever fan meet experience ko as fangirl ang Paradise (2018 Yook Sung Jae Fan Meeting in Manila), mga mahigit isang taon na ko K-drama fanatic nun. Naalala ko pa nagchicheck ako ng schedule ng Passport Appointment ng makita ko yung announcement ng fan meeting. So pagkakita ko share ko agad sa friend ko (bias nya kasi si Sung Jae). Dahil first time pupunta ng fan meet ng friend ko, samahan ko daw siya, at ang masaya dun ililibre nya ako.

Parehas kaming baguhan pagdating sa mga fan meet na yan, kaya ang nangyari nung pre-selling ng ticket, medyo duda pa kami sa kung saan ipapadala yung bayad kaya ayun sa tagal naming magdesisyon naubusan kami ng SVIP. So VIP na lang nakuha namin, ang mahalaga lang naman makita namin si Sung Jae.

D-DAY!

D-day na at dahil perstaym ko makakita ng Korean Actor na napapanuod ko lang sa K-drama at variety show, kaya excited na ko. Medyo minalas lang ako nung araw na iyon kasi di ako nakabunot para sana makasali sa Group Photo Op, pero ok na din kasi nanalo naman yung friend ko.

FAN MEETING EXPERIENCE

Masayang experience ang naramdaman ko sa first ever fan meet na pinuntahan ko… dami ko sigaw (lalo na dun sa video clips ng Master in the House… nakita ko kasi si Lee Seung Gi… siya kasi Bias ko na role model ni Sung Jae.) Bumalik din yung Goblin Feels sa akin nung kumanta siya ng “Beautiful”.

 

YOOK SUNG JAE IN MANILA FAN MEETING HIGHLIGHTS
  • Sung Jae opened his fan meeting by singing “Paradise”, which he composed.
  • His greeting to his supporters “Salamat sa pagpunta kahit malakas ang ulan sa labas.” and “Sama sama tayo palagi.”
  • He played some games with his fans.
  • Sung Jae also sang “Beautiful” from the OST of Goblin.

 

Overall, naging memorable ang first fanmeet experience ko at dahil din dun narealize ko ang sarap maging fangirl.

 

Leave a Reply