FANGIRLING

“Come With Me” : Kim Myung Soo in Manila

Come With Me (2020 Kim Myung Soo Fan Meeting in Manila)
January 12, 2020
New Frontier Theater

KIM MYUNG SOO IN MANILA

 

PRE-FANMEET STORY

Ang mahal maging fangirl lalo na sunud-sunod ang pagpunta nina Oppa sa Pinas. Yung gusto mo lahat sana mapuntahan sila kaso limitado ang budget. Kaya naman may priority list lang ako ng mga oppa na pagkakagastusan ko. At isa si Kim Myung Soo sa mga yun, pasok kasi siya sa Top 10 List ko. Masyado kasi ako na in-love sa kanya nung mapanuod ko ang Angel’s Last Mission : Love (2019)).

 

D-DAY!

Mag-isa lang ako pumunta nun, may mga kakilala naman akong mga fangirl kaso malayo yung mga seat namin. Grabe yung saya ng fangirl heart ko ng makita ko na si Kim Myung Soo. Yung kilig at sigaw ko di matigil tigil. Mas masaya sana kung isa ako sa mga maswerteng fans na nakalapit at nayakap si L.

 

Yung aliw na aliw ako sa panunuod sa kanya. Isa din si L sa mga oppa na gustong gusto ko ang speaking voice. Kaya naman ang saya lang ng marinig ko live ang boses niya.

 

Heto yung pinakahihintay ko na performance nung gabing yun. Kaya kahit bawal kumuha ng videos naging pasaway ako, buti na lang umalis yung bantay sa pwesto namin. Gustong-gusto ko kasi ang kanta niyang ito. Everytime na naririnig ko ito di ko maexplain yung feels ko.

 

The Nights That I Miss You (Angel’s Last Mission OST)

 

 

KIM MYUNG SOO IN MANILA FANMEET VIDEO

Bakit ba kasi bawal na kumuha ng mga videos sa fanmeet? Ang hirap pa pumuslit sa pagkuha ng video. Pero ok na, atleast, kahit konti meron naman ako nakuha, pang remembrance lang ba!

 

OVERALL FANGIRLING EXPERIENCE

Sa lahat ng fanmeet na napuntahan ko, si Kim Myung Soo ang may pinakadabest na fan service. Sorry na nga lang sa akin at di ako naging lucky fangirl nung gabing yun. Hoping to see again My Angel!

 

YOU MIGHT ALSO WANT TO READ : Khel Pangilinan : “All For Him”

 

Let’s connect!

Facebook | Instagram | Twitter | Pinterest

2 Comments

Leave a Reply

%d bloggers like this: