FANGIRLING

Khel Pangilinan : “All For Him”

Khel Pangilinan “All For Him”
December 20, 2019
New Frontier Theater

Khel Pangilinan

Before ako mahumaling sa mga Koryano, updated pa ko sa mga kaganapan sa mga OPM artist natin. Pero kung ngayon mo ko tatanungin, di na ko familiar sa ibang mga new OPM artist and OPM songs.

 

Kilala ko na si Michael Pangilinan bago pa ako maging fangirl ng mga Korean Artist. Isa siya sa mga pinapakinggan ko dati na mga OPM artist. Nasubaybayan ko din siya sa “Your Face Sounds Familiar” ng ABS-CBN.

 

Fan ang kapatid ko ni Khel Pangilinan at nung sinabi niya na ililibre daw niya ako sa Concert, di ako nagdalawang-isip na pumayag. Isang dekada na yata ang lumipas nung una akong umattend ng concert ng mga OPM artist. First concert na pinuntahan ko nun ay yung kina Barbie Almabis at Kitchie Nadal, then, second OPM concert ko itong kay Khel Pangilinan.

 

Medyo matagal lang ang concert, sa dami ba naman ng mga guest, pero na-enjoy ko naman siya. Dami ko hindi kilala sa mga nagperform at yung ibang mga songs di na din ako makasabay.

 

Hinihintay ko kantahin niya yung “Bakit Ba Ikaw”, kaya naman nalungkot ako nung di niya kinanta. Ang dami ko videos from the concert, kaso di nakisama yung battery nung phone ko, kaya medyo di na okay yung kuha sa performance ng “BuDaKhel”. Sila pa naman ang hinihintay ko.

 

Share ko lang yung mga videos na kuha ko:

 

KHEL PANGILINAN : “ALL FOR HIM” Concert Guests
  • ‘BuDaKhel’ (Bugoy Drilon, Daryl Ong, and Khel Pangilinan’s group)
  • Liezel Garcia, Dea Formilleza, and Garie Concepcion
  • Katrina Velarde
  • The new artists that performed in Khel’s All for Him concert are Rich Patawaran, Chloe Redondo, Binary Music, Joaquin Sunga Reyes, Ryke, MC Sai and Dystopia. Most of these new artists have collaborated with Khel in Wish Live performances.

 

YOU MIGHT WANT TO READ ALSO : Know Why Park Hae Jin Said “Masarap” During His Fan Meeting in Manila

 

Let’s connect!

Facebook | Instagram | Twitter | Pinterest

4 Comments

Leave a Reply