"One Extraordinary Day" with Kim Soo Hyun
FANGIRLING

“One Extraordinary Day” with Kim Soo Hyun

“One Extraordinary Day” with Kim Soo Hyun
SM MOA Arena 
June 10, 2022
#KIMSOOHYUNxBENCH
"One Extraordinary Day" with Kim Soo Hyun
PRE-FANMEET STORY

If meron man ako namiss during pandemic ay yung umattend ng fanmeeting. Kaya naman ang saya ko nung i-announce na ni Bench na magkakaroon ng fan meet si Kim Soo Hyun. Sa wakas after 2 years makakakita na ulit ako ng oppa. At dahil pasok sa Top 10 ko si Kim Soo Hyun, hindi pwedeng hindi ako pumunta. Nung una Patron B lang sana ang balak kong kunin, pero nagtry ako magparegister ng slot for VIP at Patron A, para kung manalo ibig sabihin dapat mas malapit kong makita si Soo Hyun. At yun na nga nakakuha ng slot for VIP at need ko bumili ng Php10,000 worth of BENCH products. Buti na lang supportive ang family and friends at kahit papaano nabawasan ng kalahati yung gagastusin ko.

 

Medyo sinwerte din manalo ng slot for Kim Soo Hyun Send-off at Signed Bench Merchandise.

 

D-DAY!

"One Extraordinary Day" with Kim Soo Hyun

 

Dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko, after more than 2 years na wala akong fangirling ganap, ay makikita ko na si Kim Soo Hyun. No need naman sana pumunta ng maaga dahil VIP seat naman ako pero after ng church service, go na agad ako sa MOA Arena. Excited yarn? So, hayun na nga nung lumabas na si Kim Soo Hyun, grabe yung saya ng fangirl heart ko, sobrang gwapo ng “Alien Hearthrob” ko. Bawing bawi ang nagastos ko, dahil ang bait naman ni BENCH, at yung mga posters for VIPs mismong si Kim Soo Hyun ang nag-abot sa amin. Kaya naman nahaplos ko ng 1-segundo ang kamay ni oppa. At di pa dyan nagtatapos, dahil may send-off slot pa akong napanalunan, may pahabol sulyap pa ko kay oppa, kahit na hirap na hirap ako sa paghanap ng pwesto dahil medyo kinulang tayo sa height.

 

 

One Extraordinary Day With Kim Soo Hyun Fan Meet Videos

Heto yung mga videos na kuha ko sa ilan sa mga highlights ng fanmeet:

 

OVERALL FANGIRLING EXPERIENCE

Sobrang saya ng fangirl heart ko kahit na ba ang daming “sana all” moment akong nafeel, dahil sa mga swerteng fangirl na nakipaglaro at nakipagselfie kay Kim Soo Hyun. Sulit na sulit yung paghihintay na makaattend ulit ng fanmeet after pandemic at syempre sulit naman ang nagastos dahil may BENCH products na, nakita ko pa si Kim Soo Hyun.

 

YOU MIGHT ALSO WANT TO READ : Regine Velasquez and Sarah Geronimo : “Unified”

 

Let’s connect!

Facebook | Instagram | Twitter | Pinterest

Leave a Reply