Ansabeh? #2 : Happy Ba Ako?
“I wish STRESS, SADNESS, ANGER, FRUSTRATIONS and DISAPPOINTMENTS can be deleted.”
(Actually, post ko dati ito nung 2016 sa lumang blog ko. Nung nabasa ko ito parang halos same pa din yung nararamdaman ko ngayon kaya inedit at dinagdagan ko lang.)
Ilang araw na parang ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit or sadyang gusto ko lang talaga magdrama ngayon. Masyado na naman ba ako nag-iisip ng mga nangyayari sa buhay ko? Happy ba ako sa buhay ko ngayon?
Maraming bagay at pangyayari sa buhay ko na pwede maging dahilan para maging masaya ako. Ang tanong lang ay kung sapat ba ang mga yun para lubusan na masabi kong masaya talaga ako.
Work
Thankful ako at may maayos na trabaho ako, hindi masyadong stress sa workload, magandang benepisyo at maayos na working environment. Pero yun nga lang parang walang career advancement, wala ng new knowledge at walang opportunity to grow. Hindi na ko masaya sa trabaho ko pero kelangan ko ito eh. Yan ang feeling ko nung 2016.
At ngayon 2020, same pa din. Hindi na ko masaya sa ginagawa ko, pero andun yung pag-aalinlangan na kung aalis ako sa work ko, ano ang gagawin ko? Baka magkamali ako ng desisyon at lalong maging magulo ang buhay ko.
Lovelife
Gusto ko lang kumanta ng “Paano ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan?” Mahirap ba talaga akong mahalin at hanggang ngayon wala pa ring lalaki na kaya akong seryosohin? Kelan ba darating ang panahon na magiging masaya ako sa aspetong ito ng buhay ko? Wala pa din pagbabago, noon at hanggang ngayon. May darating nga pero paaasahin ka lang pala kasi di mo maibigay ang gusto nila. Pero sige keri lang, naniniwala pa din ako sa tamang panahon ibibigay ni Lord ang tamang tao para sa akin.
Pamilya
Masaya ako at nakakatulong ako sa pamilya ko lalo na sa pinansiyal. Pero hanggang kelan ang responsibilidad ko sa kanila? Masama ba kong anak at ate kng minsan naiisip ko na nagsasawa na ko sa pagtulong sa kanila? Na lahat na lang kelangan ko iprovide para sa kanila kaya hindi sila nagiging responsable sa buhay nila.
Pinipilit kong wag isipin ang mga hindi magagandang nangyayari sa buhay ko. Pero may oras talaga na kahit anong iwas ang gawin ko hindi pwedeng hindi ko maisip ang mga ito. Happy ba ako? Sana pwede kong isagot ang OO, pero “HINDI” eh.
YOU MIGHT ALSO WANT TO READ : Ansabeh? #1 : Araw ng mga Puso
Let’s connect!
13 Comments
nicolepaler
It’s sad if an old post, with old situations and when re-read you realize that things are still the same. I hope that when you look back to this post after 2020, you are at a better place. That you can read this and think, wow, finally, things are better and that your old self will be proud and happy of where you are at that time.
jayneglezelle
Life will not be exciting if you are always happy! The moment you felt sad or stressed etc… makes you mature! Makes you a better you.
themhayonnaise
Super relate sa work and family challenges! I’m happy with my job, too. And alam ko na sobrang mabigat sa utak yung mga responsibilities ko sa trabaho. Minsan I see it as a challenge na pwede kong ika-grow like everyday iba ibang risk yung nakikita ko as auditor tas from that risk natututo ako. Pero minsan sobrang nakakaburn out din. Nakakapagod. Na ayoko nalang mag isip at all.
Also sa family. I’m the bunso, and I feel that way na parang ano dahil ba turn ko na to help ako na dapat lahat? I’m a single mom. Pero kapag dinahilan ko naman yung pagiging single mom ko feeling ko ang isasagot sakin e “bat ka kase lumandi?!” HAHA
To be honest, sobrang nakakalungkot nga at frustrating yung feelings and thoughts na ganyan. Masasabi mo nalang na hayaan na or be happy nalang kasi you feel you can’t do anything din naman. Pero better padin to be positive kesa magpakalunod sa sadness. Think happy thought, ganern!
Fangirl Clang
Tama, think happy thought na lang, minsan iniisip ko na lang din lilipas din yung di magandang feelings and thoughts. May mga times lang talaga na di mo maiwasan na mag emote sa buhay buhay.
themhayonnaise
Totoo. Lilipas tas babalik, lilipas, babalik. If you look at the bigger picture, marerealize mo minsan na ganon talaga, paikot ikot lang. kasi boring din ang life kapag walang iniisip! 😅
Fangirl Clang
NAtuwa naman ako sa “boring din ang life kapag walang iniisip”.
mumshienica
Sobra akong nakakarelate sa work at sa family. Yung gusto ko na magcareer shift pero hindi ko magawa kase hindi ko afford ang mas bumaba ang sweldo ko, ako pa din kase ang sumusuporta sa nga magulang at kapatid ko kahit may sarili na akong pamilya, mahirap kase yung generation noon, walang financial literacy. Hindi tulad ng generation ngayon. Kaya sabi ko sa sarili ko kahit mahirap pipilitin kong pag ipunan ang retirement ko para hindi mahirapan ang anak ko pagdating ng panahon. Yung tipong maeenjoy na niya yung perang kinikita niya na wala syang guilt na nararamdaman. Just hang in there and trust the Lord that He has plan for you.
Christian Foremost
Awwwww girl. Hang in there. It’s alright to feel these feelings, but if you don’t like where you are right now, you have the power to change your life. Don’t rush it to it though. Figure out muna kung anong gusto mo tapos focus on that. Kaya mo yan girl. More power to you.
Hazel Salcedo
Aww hang in there, dear! Mahirap talaga lalo na sa part na responsibilidad sa pamilya. Maybe it’s about time you speak up your mind – or ulitin mo kung nasabi mo na dati. Minsan kailangan din alam nila yung feeling mo para marealize nila mga bagay bagay. 🙁 Hugs!
WanderWoMom
Im sure you had a lot of fun times din through the years but as they say you gotta get going!! Life goes on and on and on, you just had to fight it and deal with it and be steong to endure all of it and all of it will happen to you the right moment and the right timewag mawalan ng pag asa
Wendyflor
Between 2016 and 2020 baka may mga happy moments ka din. Let’s just say one of those moments lang ang nararamdaman mo ngayon. Trust that you will feel happy doing these things or you’ll have the strength to change where you are now to be happier.
Fangirl Clang
yes meron naman… cguro yung pagfafangirl at kdrama ko nakatulong para mawala yung focus ko sa pag iisip sa mga di magandang nangyayari sa buhay ko.
Dawn Lyndelle P
I can relate sa work part. Yung tipong hindi ka na masaya sa pagpasok araw-araw that’s why I quit from my 5-years job. But I realize that my happiness shouldn’t entirely be dependent on things like that kaya I focused on something deeper. Hope you get to say na “happy” ka na in the near future po ❤️☺️