I Love Korean Dramas
Nang magsimulang ipalabas ang mga Asianovelas sa Pinas na Tagalog Dubbed, isa sa mga sinubaybayan at talaga naman nagustuhan ko ang Meteor Garden (Taiwanese Drama) na nasundan pa ng ilang mga Korean Dramas tulad ng:
- Boys over flowers (Heto yung pinakahuling k-drama na sinubaybayan ko sa telebisyon)
- My Girl
- Memories of Bali
- Only You
- Save the Last Dance for Me
- Lovers in Paris
- Coffee Prince (Bukod sa Meteor Garden, ito lang ang drama na kinaadikan ko ng sobra)
- Full House
- Jewel in the Palace
- Autumn in my Heart
- Winter Sonata
Noon di ko masasabi na fan ako ng mga k-drama, sa dinami dami ba naman ng naipalabas dito sa atin, napakaikli lang ng listahan ko at ang mga iba pa dyan di ko na matandaan ang kwento. At taong 2009 pa ang huling nuod ko ng tagalog dubbed Kdrama. Pagkalipas ng walong taon, nagkainteres ako sa mga Koreanovelas, dahil na rin siguro sa curiosity ko kung ano ang meron sa mga k-drama at napakaraming nahuhumaling sa mga ito.
I love Korean Dramas now at take note hindi na yung mga nakatagalog dubbed! Paano nga ba nagsimula ang lahat? April 2017 nang magsimula akong manuod ng “Love in the Moonlight”, kasalukuyang pinapalabas yun sa ABS-CBN, pero dahil hindi ko feel na subaybayan sya sa telebisyon, hiniram ko ang CD ng kaibigan ko at pinagtyagaan kong tapusin ito nang binabasa ang ENG SUB. Nag-enjoy naman ako, kaya hanggang ngayon bahagi na ang K-DRAMA sa Daily Routine ko. Isa o dalawang episodes per day ayos na ang araw ko!
Ano bang meron sa mga Korean Dramas at tuluyan akong nahumaling sa mga ito? Heto yung mga ilang rason ko:
- Isang oras lang kada episode.
- Binibigyan ako ng mga k-dramas ng iba’t ibang emosyon… Mapapatawa ka tapos biglang paiiyakin ka. Roller coaster ride kumbaga, madadala ka talaga sa mga eksena!
- K-dramas will make you watch for more, mararamdamdan mo ang tinatawag na “Bitin Effect”. Pero ok lang yun! Hahaha…
- Napakadaming mga hot oppas… Kada may natatapos akong panuorin nadadagdagan ang listahan ko ng mga oppa.
- Panalo din sa ganda ang mga OST ng mga ibang Kdrama. LSS ako palagi. May playlist na nga ako sa phone ko na Kdrama OST.
- Kdrama is happiness, stress reliever, nakakalimutan ko panandalian ang real life dramas!
Nilamon na ba ako ng sistema ng K-drama? Heto ba yung mga Signs?
- Nasa bucketlist ko na ang makapunta sa South Korea at makapagselfie sa mga K-drama Locations.
- Gumawa ako ng Facebook Page para lang sa mga K-drama Feels ko. Pati na din ang blog na ito.
- May K-drama OST playlist sa phone ko.
- Bet na bet ko ang usapan kapag tungkol sa k-drama, kasama na ang mga oppa at unnie!
- Madalas na magsabi ng mga Korean words, kahit kadalasan puro Annyeong at Saranghae lang!
- Sa sobrang apektado ako sa eksenang napanuod ko hanggang sa panaginip ko andun sila!
- Ilang araw din akong di makamove-on sa “Bitin Effect” at “Second Lead Syndrome”.
- Kung dati Candy Crush at Clash of Clan lang ang pampatulog ko… ngayon 1 or 2 episodes per night lang… ayos na ang tulog ko.
- Noon karamay ko si Tinder at WeChat kapag nabobored ako at gusto ko ng makakausap, pero dahil sa mga kdrama, nararamdaman ko ang kiligin kahit wala naman akong lovelife!
- Dahil sa Kdrama pangarap kong makatagpo ng “Big Boss” at “Captain Ri”. Saan ba ko makakahanap ng tulad nila?
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako sisipagin manuod ng mga k-drama, basta ang alam ko hanggang ngayon ay nag-eenjoy pa din ako sa panunuod. Napakahaba pa ng listahan ng mga panunuorin ko. Ikaw anong kwento mo at bakit love mo ang mga korean dramas?
Let’s connect!
7 Comments
May De Jesus-Palacpac
TBH napakatagal na nung huli ako nagKoreanovela. Nag enjoy naman ako. Full House and Attic Cat were my favorites, haha. Yung bida ng Attic Cat, nagpakamatay nga lang.
Jethro Uy
Sobrang nakaka-relate yung mga sinabi mo sa “anong meron sa kdrama” hahahahah bakit kasi walang nagsabi na kapag nasimulan mo na, wala nang talikuran
Danica Marasigan
I always read na kapag na nanood k na ng kdrama, either di mo mapapansin ang oras or mahohook ka talaga. How do you keep yourself productive pag nasa kdrama mode ka na? Haha. Nakakatuwa I’m sure marami nakakarelate dito.
My Onni You
Kdrama is life.
Kapag pinasok mo hindi ka na makakawala parang drugs hehe
vakarensj
Nakakatuwa naman na may symptoms pala ang pagiging KDrama fan. Nahilig din ako dati sa panonood ng KDrama pero yun nga puro Tagalized lang ang pinapanood ko. 😂
dawnlyndelle
First KDrama na napanood ko is Full House ni Song Hye Kyo and Rain sa GMA pa noon. I haven’t watched a lot since then pero all I can say is korean drama was a very refreshing sight after AALLL the telenovelas. hehe
WanderWoMom
Super same with you. Yan din mga nasimulan ko!!! Pero at the moment mga nasa netflix na lang pi apanood ko at di pa ako uli nag aadik hahahaha