RANDOMNESS

How Are You Spending Your Quarantine Days?

Ilang linggo na ang nakakalipas simula nung ipatupad ang Enhanced Community Quarantine. Kumusta naman ang life natin during Home Quarantine? Tulad din ba kita na minsan nakakaramdam na nang boredom? Nakakamiss din pala yung nakikipagsiksikan sa LRT at MRT, yung pakikipagtsismisan sa mga officemates habang kumakain ng chichirya.

 

May mga araw talaga na nakakabagot na sa bahay. Ano pa bang pwedeng gawin? Pero nakakatuwa lang na yung mga bagay na gusto kong gawin before ay unti-unti ko ng nagagawa ngayon. Gusto ko lang i-share ang mga nagawa, ginagawa at gusto ko pang gawin habang naka-home quarantine.

 

Here are some of the things on how we can spend our quarantine days:

1. PRAY

the power of prayer

Ang first point of action dapat natin ay magdasal. Yun ang pinakapowerful tool natin upang labanan ang pandemic na ito.

ICYMI :Β THE POWER OF PRAYER

2. CLEAN AND ORGANIZE YOUR ROOM

THINGS TO DO DURING QUARANTINEMarami ka bang mga abubot dyan na di na ginagamit? So, bawasan na ang mga yan! Kahit papaano nakapagbawas na ko ng mga kalat sa room ko. One at a time lang at tiwala lang magiging organize din ang kwarto ko.

3. CLEAN YOUR CLOSET

May mga damit ka ba dyan na hindi na naisusuot? Baka pwede pa gamitin ng iba yan, so bigay na lang natin sa kanila. Sinipag si mama na magplantsa ng damit kaya naman ang di ko magawa dati ay natapos niya para sa akin. Pero take note, mahal ang singil niya sa akin ah.

4. BINGE-WATCH YOUR PENDING MOVIES/SERIES

THINGS TO DO DURING QUARANTINESa totoo lang heto yung pinakagusto kong gawin. Sa dami ba naman kasi ng pending kdramas ko. This is the right time na tapusin na yung mga nasa list natin.

5. FINISH READING YOUR BOOKS

THINGS TO DO DURING QUARANTINEGusto ko siyang gawin pero di ko magawa. Simula nung naging Kdrama fan ako nawala yung interes ko sa pagbabasa ng libro. Hopefully, sipagin ulit ako magbasa, sayang naman kasi yung mga librong binili ko kung hindi ko naman babasahin di ba?

6. PLAY GAMES

THINGS TO DO DURING QUARANTINEIsa ito sa mga pampalipas oras ko. Homescape at Candy Crush na lang tinira ko na game sa phone ko. Tinanggal ko na yung ibang mga games na nakakaubos oras tulad ng Clash of Clan at Cafeland.

7. CLEAN YOUR MOBILE PHONE, DESKTOP AND LAPTOP

Time to delete those unwanted files and duplicate photos. Heto yung ginagawa ko ngayon. Naghahanap din kasi ako ng mga pictures na ipapaprint ko for Photo Album at gusto ko din gumawa ng photobook kaya sinasabay ko na din ang pagdelete sa mga duplicate pictures.

8. CHAT WITH YOUR FAMILY AND FRIENDS

May Group Chat din ba kayo? Nakakaaliw lang na everyday maingay ang GC. Andyan yung mga Menu for the Day, mga nakakatuwang mga Memes, mga nagbabagang balita at syempre di nawawala ang tsismisan.

9. ORGANIZE YOUR FANGIRLING STUFF

Actually, hirap akong umpisahan na gawin ito. Di ko alam kung paano at saan ko ilalagay ang mga yan. Kaya itatago ko muna ang mga yan at hanap muna ako ng mga idea sa mga tulad kong fangirl.

10. START A JOURNAL/BLOG

a fangirl's feelsDi ako magaling magsulat at hirap din ako mag-express ng thoughts and feelings. Pero ang sarap lang sa pakiramdam na dahil sa blogging nailalabas ko yung mga ‘feels’ ko. At isa mga gusto kong gawin ngayon ay magbasa ng mga Tips on Blogging para ma-improve ko yung sarili ko sa mundo na pagba-blog.

OTHER THINGS TO DO DURING QUARANTINE :

 

  • Update your Social Media Accounts
  • Unfollow Accounts on IG/Twitter that you no longer like
  • Check your Facebook Friend List baka may makita kang pwede nang i-unfriend
  • Do something creative and try out some DIY projects
  • Acquire and learn new skills
  • Find new music
  • Put together a Photo Album
  • Organize your Mobile APPS

 

How do you spend your time at home during quarantine? What home activities do you enjoy the most?

 

Let’s connect!

Facebook | Instagram | Twitter | Pinterest

18 Comments

  • Misskhae

    The unfollow Twitter accounts you don’t like LOL I actually do this on all my social media accounts. Dati kasi may pagka hoarder ako ng friends even if some of them are usually toxic to my mental health. Now, I don’t mind having a very few people. Sa Facebook nga, kung hindi lang ako nasali sa Bloggers PH and follow blogger pages, puro meme nalang yata lalabas sa feed ko hahaha πŸ˜€

  • Pinaynursemeetsworld

    My life during and before quarantine has been almost the same. I still work, do the same routines except I can’t workout in the gym anymore. I just can’t wait until this quarantine is over….

  • Christian Foremost

    I wrote a blog post about this too a few weeks back. There’s so much we can do at home to be productive instead of bored. These days though because I am suuuuper stressed sa work and life, i just sleep. Lol.

  • Anie Ordillo

    Still working from home pero yes, I’ve been slowly but surely ticking off my to-do list. Just added ‘clean my closet/mobile/laptop’ to the list. Hopefully, I can be as productive like you as the days go by. Here’s hoping!

  • dawnlyndelle

    Grabeh natamaan ako sa number 7! I think now is the best time to clean up my digital closet. I have 6K photos stored in my phone! I need to tidy up before life gets busy again. Then again, I’m busier more these days than before the ECQ started hehehe

  • Kurt

    I was able to do everything except for #9. Ngayon naman baka mag give-in na ako sa Tiktok. Hindi ko na kaya, mababaliw na ako sa quarantine na ito. 😭

  • blair villanueva

    You made your quarantine days very productive. And it is okay if we are not, just keep it slow and not overthink things.

  • Abby

    Napaka productive mo during the lockdown. This pandemic gave us so much time to do the things that we can’t do during our normal days Love your kdrama stuff collections.

  • mumshienica

    Good job! Napakaproductive mo during this times,. Ako sa weekend ko lang din nagagawa ang mga gusto kong gawin dahil sa work. I’m still working from home so nothing has chaned that much except for the time I’m spending with my son,more time with him and my husband. But I really miss going ro my parent’s house πŸ™

  • Hazel Salcedo

    Yay, buti at productive ang lockdown for you. πŸ™‚ Napakaraming pwedeng gawin noh? Sana magawa mo lahat yan! I cleaned my laptop and deleted a lot of files – ang sarap sa feeling na parang ang bilis bigla ng laptop ko hahaha! πŸ˜€

    • Fangirl Clang

      Yung mga bagay na gusto kong gawin nung wala pang lockdown nagagawa ko siya ng paunti hnti ngaun. πŸ˜…

Leave a Reply