FANGIRLING

“Hello, Manila” : So Ji Sub in Manila

Hello, Manila (So Ji Sub Asia Tour)
March 16, 2019
New Frontier Theater

So Ji Sub in Manila

 

Yung feeling na nagsisimula nang magsipuntahan ang mga Oppa dito sa Pinas, pero isa kang pooritang fangirl. Si So Ji Sub magkakaroon ng Fanmeet sa Manila, ang naisip ko kailangan andun ako kahit dun sa pinakamurang ticket lang. Isa kasi siya sa mga oppang nagustuhan ko nung nagsisimula ako sa Kdramaland.

 

 

Buti na lang that time may pagive-away ng fanmeet tickets ang ibang mga blogger. Yung feeling na alam kong malas ako pagdating sa raffle, pero try lang ng try para kay oppa. Lahat ng makita ko sinasalihan ko.

 

 

Papalapit na ang D-day at wala pa din ako ticket. 2 days bago ang fanmeet di ko ma-explain yung nararamdaman ko, andun yung bibili na ba ako ng ticket or aasa na lang na bumalik na lang ulit si So Ji Sub. Buti na lang naki-ayon ang swerte sa akin at nanalo ako sa pakontes ni abbyinhallyuland.

 

 

First time ko manuod ng fanmeet na walang kasama pero syempre kahit mag-isa excited pa din ako kasi makikita ko na si So Ji Sub.

 

 

Ang saya lang ng fanmeet ni So Ji Sub may pa mini-concert pa siya sa second part ng show. Di man ako familiar sa mga K-pop songs na pinerform nya, pero sobrang na-enjoy ko siya.

 

 

SO JI SUB IN MANILA FANMEET VIDEOS

Share ko na lang yung mga video clips na kuha ko sa fanmeet at ng malaman nyo yung saya na nafeel ko ng makita ko ng live ang favorite ahjussi ko.

 

YOU MIGHT ALSO WANT TO READ : Park Hyung Sik Fun Meet in Manila

 

Overall, sobrang na-enjoy ko yung fanmeeting ni So Ji Sub. Yung ang saya lang makipagsabayan sa mga tuwang-tuwang mga audience. Another memorable experience para sa isang fangirl na tulad ko. Bonus pa na libre ang ticket ko.

 

Let’s connect!

Facebook | Instagram | Twitter | Pinterest

3 Comments

  • Travel with Karla

    I was also there!!! Haha! Kasama ko sila AC of It’s AC’s Life, Anj of Annyeong Oppa, and Chloe of Saranghe Oppa. Sarap magfangirling talaga HAHAHA! Free ako nakapunta kasi ako nagrepresent ng Kdramabuzz.

    • Fangirl Clang

      Nakita kita kasi suot mo yung shirt mo na Travel With Karla… andun kami sa likod niyo… nanalo kasi ako sa give-away ni abbyinhallyuland.

  • Khryz

    Waah! So Ji Sub!!!!! Super love ko siya sa The Master’s Sun, Oh My Venus, and Terrius. Kahit mas matanda siya, very charming talaga siya. Congrats! 🙂

Leave a Reply