Ansabeh? #1 : Araw ng mga Puso
February na! Ilang araw na lang at Valentines Day na! Nais ko lang magbalik tanaw sa mga pangyayari sa buhay ko tungkol sa “Araw ng mga Puso”. Para kanino nga ba ang February 14? Sa mga taong may karelasyon lang ba? Paano naman ang mga single na katulad ko? Ano nga ba ang ginagawa ng mga tao kapag sumasapit ang araw na ito? Movie date, valentines card, flowers and chocolates, dinner date at madami pang iba. Sa araw din ito naglalabasan ang mga bitter sa mga social media dahil single sila at walang kadate. Isa ba ako sa mga yun? Hindi naman masyado. So, ano nga ba ang ginagawa ko kapag Valentines Day?
ELEMENTARY & HIGH SCHOOL DAYS
Busy ako noon sa pagawa ng mga Valentines Card para sa mga friends ko. Nagpapalitan kami ng mga gawa. Ang alam ko naitago ko yung mga ibang Valentins Card na natanggap ko. Kung di ako nagkakamali ng pagka-alala, Grade 2 ako nung unang makatanggap ng card dun sa classmate kong lalaki.
COLLEGE & PRESENT DAY
NBSB ako at never akong naka-experience nung college ang magcelebrate ng Valentines Day. Simpleng pagbati lang mula sa mga kaibigan nagsisimula at nagtatapos ang araw ng mga puso ko. Nung nakapagtrabaho naman na ako, parang ganun pa din naman, may konting pagbabago lang kasi nakakatanggap na tayo ng small gifts from the company. Or minsan napipilit ko yung mga close friends ko na bigyan naman ako ng tsokolate, para may maipost sa SNS na nabigyan ako ng regalo sa Valentines Day.
Habang lumilipas ang panahon nagiging ordinaryong araw na lang ang “Araw ng mga Puso”. Single ako kaya expected na walang ka-date, hindi din ako makakatanggap ng flowers at chocolates. Iniiwasan ko din gumala sa mall kapag February 14 dahil kahit ayaw kong maging bitter ay magiging bitter ako sa mga taong makakasalubong ko na magkadate, may flowers and chocolates and etc. So mabuting manahimik na lang sa bahay di ba?
Sa mahigit 3 dekada ko sa mundo, kahit papaano may dalawang Valentines Day na naiiba sa usual celebration ko ng araw na ito.
February 14, 2012
Biglaan lang na niyaya ako ng friend ko na si LP, wala naman din siya date noon at matagal naman na di kami nagkikita. Kaya kahit pauwi na ako ng bahay noon ay pumayag na ako, at take note first time may nagyaya sa akin. Dinner, 3 white roses at kwentuhan lang natapos ang 2012 Valentines Day ko.
Sino ba si LP sa buhay ko? Textmate ko siya dati at 3 years bago kami nagkita, nagbalak din siya manligaw sa akin kaso iniwasan ko dahil sa di ko malaman na dahilan. After ng date namin na iyon nanumbalik ulit komunikasyon namin at niligawan ulit ako and for the second time hindi ko pa rin sinagot. He’s special to me pero di sapat yun para pumayag ako na magkaroon kami ng commitment. Niyaya din niya ako noong 2013 kaso tinatamad talaga ako kaya nireject ko na offer nya at that time alam ko may girlfriend na siya. And now I’m happy for him dahil may pamilya na siya at ninang pa ko ng anak niya!
February 14, 2014
Ineexpect ko na ordinaryong araw lang ito, papasok sa office, maiinggit ng kaunti sa mga officemates na makakatanggap ng bouquet of flowers and chocolates galing sa special someone nila, then uuwi ng bahay dahil wala naman kadate. But unexpected ang nangyari sa Valentines Day 2014 ko, bago ako umuwi may inabot sa akin ang officemate ko na Chocolates pinabibigay daw para sa akin. Wow, first time ko kaya makatanggap ng chocolates sa Araw ng mga Puso, ang kaso lang ayaw naman daw magpakilala ng nagbigay, wala pa daw siya lakas ng loob. Secret Admirer lang ang peg niya? No idea talaga ako kung sino siya!
Hinayaan ko na lang siya kung ayaw niya magpakilala! Pero syempre thankful naman ako sa bigay niya. At paglipas ng araw nalaman ko din kung sino siya! May unsent letter ako sa taong ito, next time ipopost ko sa blog na ito, baka sakaling mabasa niya at magparamdam na siya sa akin.
February 14, 2019
Magdadalawang taon na akong fangirl nung taong 2019. Kung dati ka-bitteran ang mga post ko tuwing February 14, nung time na yun, di ko maitago ang excitement ko dahil sa post Valentine Date namin ng isa sa Ultimate Oppa ko.
Heto yung fangirling moment ko : PARK HYUNG SIK FUN MEET IN MANILA
Sabi nila “Valentines day is not only for a girlfriend or boyfriend. It’s for the people you love and appreciate in your life.” Maraming Valentines Day na ang dumaan sa akin pero di pa rin ako nawawalan ng pag-asa na maiiba ang usual celebration ko ng Araw ng mga Puso. Yung mararanasan ko din yung romantic date, mabigyan ng bouquet of flowers and chocolates, and of course to be with my special someone. Pero habang di pa nangyayari yun maging masaya na lang muna ako sa pamilya at kaibigan ko sa pagdiriwang sa Araw ng mga Puso.
Anong mangyayari kaya sa Valentines Day 2020 ko? Singles Awareness Day na naman ba ang ipopost ko sa mga SNS ko? Tignan na lang natin!
Let’s connect!
4 Comments
Travel with Karla
Naku pangarap ko rin maka experience ng romantic date. Usually kasi family dinner lagi kami pag Hearts Day! Sana next year fine dining with future jowa naman. HAHAHA!
Kurt
Nakakarelate ako. Hahaha! Pero take the risk pa rin, malay mo nga naman.
happyandbusy
Yung for this year mo…. andyan lang yan hehehhe baka nag iipon ng lakas ng loob to say Happy Valentine’s day 😉
Wendy
Nakakaexcite naman ang 2014 V-day mo… Sige, ipost mo ang unsent letter. Malay mo♥