RANDOMNESS

Ansabeh? #4 : Trenta’y Singko

Bago ako matulog kagabi nag-iisip ako nang kung anong pwedeng maisulat dito para sa ikatatlumpu’t limang kaarawan ko. Magsulat kaya ako nang 35 mga aral na natutuhan ko sa buhay? O kaya naman tungkol sa 35 pinakapaborito kong K-drama series? Naisip ko din na dahil isa akong fangirl, maglista kaya ako ng 35 pangalan ng aking mga iniidolo. Pero dahil hindi ko makumpleto ang 35 sa isa mga yan, pinili ko na ibahagi na lang kung paano ko pinagdiwang ang aking kaarawan.

Bawat tao ay may iba’t ibang pagtingin at pakiramdam sa tuwing magdiriwang ng kaarawan. May naghahanda ng maraming pagkain, may sobrang excited at may mga ibang tao naman na parang walang pinagkaiba sa ordinaryong araw ang pakiramdam nila sa kanilang kaarawan.

Maligaya ako tuwing darating ang aking kaarawan. Papalapit pa lamang ito ay binibilang ko na ang mga araw at hinihintay ang pagdating nito. Nagpaplano din ako kung paano at saan ko ipagdiriwang ang aking kaarawan. Kung walang pandemiya ngayon, paano ko iseselebra ang araw ng aking kapanganakan?

  • Hair Salon / Foot Spa
  • Shopping (bili ng regalo para sa aking sarili)
  • Dinner with my family

Sa mga nakalipas na taon ganyan lagi ako magcelebrate ng aking kaarawan. May Pre-birthday or Post birthday celebration pa, usually magkikita kami ng best friend ko to celebrate our birthday dahil pareho kaming July babies, then, nuod ng sine or kain sa labas kasama ng mga kaibigan ko sa opisina at kapag sinipag at may extra budget videoke party sa bahay with my friends. Pero dahil sa quarantine, pinagdiwang ko ang aking ikatatlumpu’t limang kaarawan ng isang simpleng tanghalian kasama ang aking pamilya.

 

Busog lusog na naman ako!

  • Birthday Cake from Red Ribbon
  • Chapchae from Bonchon
  • Seafoods Bilao from Dampa Express
  • Samgyup and Baked Maki from Hodai Restaurant
  • Side Dishes (Tteokbokki, Marble Potatoes, Fish Cakes) from Hwaroro
  • Selecta Ice Cream and Softdrinks from Mini-stop

 

ang aking kaarawan

Kakatuwa naman mga kapatid ko, bago pa ang araw ng aking kaarawan, excited na sila sa gifts na ibibigay nila sa akin. Yung parinig ako ng parinig na Lee Seung Gi lang sa birthday ko sapat na. Kaya hayan, pillow at poster bigay nila sa akin. Di daw kasi nila alam saan magpapagawa ng standee.

Si bunso, hinintay ang 12 midnight para makapagpost sa Facebook at para daw siya ang unang babati sa akin. Liit pa niya diyan at ngayon matangkad na sa akin.

Maraming salamat sa mama ko at mga kaibigan ko na nagpost ng kanilang mga pagbati sa Facebook Timeline nila, (dahil masungit ang Timeline ko at bawal magpost ang iba) pasensiya na din sa mga  FB notifications na natanggap niyo mula sa mga ibang bumati.

ang aking kaarawan

Sa mga nagpadala ng mga Birthday Wishes (matagal ko na din wish na mahanap ang real life oppa ko) sa chat at text, at sa mga bumati thru comment sa FB post, maraming salamat po.

 

Sa totoo lang medyo stressed ako lately, yung di ko ma-explain yung nararamdaman ko, hindi ko alam kung dulot lang ba ito ng ilang buwan na quarantine, at kung anu-ano ang naiisip ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ko maiwasan na maging malungkot sa buhay dahil sa mga patung-patong na problema, sa mga pangarap na hindi natupad, sa mga taong iniwan, pinaasa at sinaktan ako, sa mga nasayang na oras na sana sa makabuluhang bagay ko inilaan at sa walang katapusang pag-iisip ng mga “what ifs” sa buhay ko.

Ngunit sa kabilang banda, naisip ko din naman, bakit ako malulungkot kung pwede naman akong maging masaya dahil sa pagmamahal ng aking pamilya, sa mga totoong kaibigan na karamay ko sa lahat ng bagay at sa lahat ng mga taong nagpaparamdam sa akin na mahalaga ako sa kanila.

ang aking kaarawan

Isang beses sa isang taon ginaganap ang kaarawan ng isang tao. Ang pagdaragdag ng gulang ay tanda ng pag-ibig ng Diyos sa mga tao at ang buhay ay ang isa sa pinakamagandang handog Niya sa atin. Kaya naman maraming salamat po Ama sa isa namang taon na pinagkaloob mo po sa akin upang mamuhay sa mundong pag-aari mo. Maligayang kaarawan sa akin!

 

Let’s connect!

Facebook | Instagram | Twitter | Pinterest

12 Comments

  • Karla Nina Mallannao

    Belated Happy Quarantine Birthday!!! Grabe, nag-enjoy ako basahin itong blog mo kasi tagalog. Bihira lang ata ako makabasa ng blog na Tagalog. Well, I guess na-enjoy mo naman yung birthday mo this year, dami handa hehe

  • themhayonnaise

    A-month-late happy birthday! I didn’t expect you’re already 35. Nakare-late ako sa simpleng celebration and dinner with the fam. Ganyan din yung gusto ko usually instead of having a party. Mas masaya yung intimate lang saka yung tipong hilig mo talaga. As long as masaya tayo sa birthday natin, diba? Happy birthday ulit!

    • Fangirl Clang

      Kadalasan simpleng kainan lang with family kapag may special occasion na icecelebrate. Kung magparty man yung mga super close friends lang ang invited. Nakakapagod din kasi pag may bonggang handaan. 😅

  • Polly Amora

    Belated happy birthday! Wishing you more oppa’s to come! Yung tipong may pa-hug2 ulet para bonggels!
    Hala nag-crave naman ako ng chapchae at samgyup!
    I’m glad that despite the pandemic, you still get to enjoy your day. ♥️♥️♥️

  • KapampanganTraveller

    Masayang aldo ning kebaitan (Happy birthday in Kapampanga) – you look younger than your age. I agree on you, we are all experience such stress, however, you still manage to celebrate your birthday. Keep safe always.

  • paolo

    Happy birthday! Ang sarap pala magbasa ng mga tagalog blogs, usually kasi puro English hehe. Grabe pala pag nasakto sa pandemic ang birthday, di mo makikita mga family and friends

    • Fangirl Clang

      Mas na-eexpress ko kasi gusto ko sabihin kapag tagalog. Haha.. Natutuwa ako kapag nakakabasa ako tagalog na blog kaya ginaya ko… 😅

      • Shescapade

        Happy birthday! Nakakatuwa pala magbasa ng Tagalog blog. Nakakaaliw basahin. Mas ramdam mo at mas mahaba nga ang posible mo ikwento. Sana nag enjoy ka sa birthday celebration mo. Halos lahat yata tayo nag #QuarantineBirthday celebration. Hehehe!

Leave a Reply