RANDOMNESS

Ansabeh? #3 : I Love You

I love you images gif » GIF Images Download

(Naisipan kong tignan at basahin yung old blog ko at nakita ko nga itong post ko na ito dated October 6, 2015. Heto yung mga panahon na di pa ko K-drama addict kaya madami pa akong time na magmuni-muni at mag-emote emote. Ganern!)

Ang salitang I LOVE YOU ay halos parang HELLO na lang daw ngayon. May mga ibang tao kasi na hindi muna sinusuri kung totoo o sincere ba talaga ang nararamdaman nila sa taong akala nila ay mahal nila. Kaya ang nagiging resulta, may mga taong umaasa.

Maraming pwedeng magsabi sa’yo ng katagang MAHAL KITA. Ang mahirap lang ay kung sino ba ang totoo sa kanila. Ilang beses na rin akong napaglaruan ng katagang yan at minsan ko na rin na ginawang laro ang word na I LOVE YOU.

 

(Flashback muna tayo)

  • Si Klasmeyt, nagsabi ng Mahal Kita (sa may chat at phone call nga lang dahil nasa abroad siya), ramdam ko naman ang sincerity nya, ang problema nga lang hindi ko pa kayang suklian iyon. Kaya ang sagot ko: “Sige subukan natin pero pwede wag muna ako sasagot ng I Love You too!”
  • Si Textmate (3 years yata bago kami nagkita) nagsabi din at may kasama pang  “Will you be my girlfriend? Ang sagot ko: “Special ka naman sa akin pero kaibigan lang turing ko sayo!
  • Si First YAM, nagsabi na sa wakas ng I LOVE YOU kaso mahirap pang paniwalaan dahil nung time na yun committed pa siya sa iba. Hindi ako sumagot pero umasa ako na magiging okey ang lahat sa amin pero wala eh di niya natupad ang mga pangako niya.
  • Ikaw naman Mr. Ferrero, bad timing naman ang pagsabi mo ng I LOVE YOU. Kung alam mo lang gusto ko din sumagot at sabihin na may puwang ka na sa puso ko, pero nung oras na iyon shocked pa din ako sa nangyari sa’yo. Gusto ko sana damayan ka sa pagsubok na kinakaharap mo pero mas pinili mo na lumayo at wag ng magparamdam.
  • At kay Second YAM, wagas ka naman makapagsabi ng Mahal Kita, pero ako naman baliw after ng napakadami mong I LOVE YOU sumagot ng I LOVE YOU too noong April 18, 2015. Hanggang marealize ko na laro lang pala ang lahat at di mo pa kayang panindigan ang mga salita mo. Kaya pwede erase na lang muna natin ang lahat?
  • Pero ang pinaka-epic ang mga nagsasabi ng ILuvU pero di pa ako nakikita at nakakasama at di nga alam ang tunay kong pangalan. Adik ba kayo?

 

Ang “MAHAL KITA” ay isa sa pinakamasayang salita na pwedeng magpabago sa atin kaya wag natin itong paglaruan. Pero ito din ang salitang hindi tanong pero masakit kapag walang sagot. Kaya huwag mong gawing biro ang salitang ito, dahil hindi mo alam ang pakiramdam ng taong umaasa.

Ang pagsasabi ng “I LOVE YOU” sa isang tao ay isang paraan ng pagpapakita na mahal mo siya at special siya sa buhay mo. Kaya bago mo sabihin ang katagang ito, iparamdam mo muna para walang duda.

Three simple words… I LOVE YOU. Say it, mean it, and live by it.

(After kung mabasa ulit ito, naisip ko lang na yung tatlo diyan kasal na, yung isa di ko alam kung kelan papakasalan yung ina ng anak niya at yung isa hinihintay ko pa din na magparamdam man lang sana kung okay na siya. At ako heto hanggang ngayon mag-isa pa din pero di nawawalan ng pag-asa na darating yung tamang panahon na may magsabi ng I love you at sasagot ako ng I love you too!)

 

Ikaw may kwentong “I LOVE YOU” ka?

YOU MIGHT ALSO WANT TO READ : ANSABEH #2 : HAPPY BA AKO?

 

Let’s connect!

Facebook | Instagram | Twitter | Pinterest

3 Comments

  • mummychelle

    Nabiktima ako ng mga salitang I LOVE YOU FOREVER, haha. But I am still a believer of love, Hoping that the next one who would utter the words to me is deserving of my “I love you too” 🙂 Nice post 🙂

  • blair villanueva

    I would say that you are lucky coz you have this story to tell over and over and gives you smile each time you remember. That’s a blessing! Coz as time goes by, you learned so much and you grow a smarter woman.

  • iamraediant

    Madali sabihin ang I love you talaga. Ako man honestly, I don’t normally say I love you sa family ko but I do present myself to them with my actions out of love for them. 🙂

Leave a Reply