RANDOMNESS

Blogging Challenge Day 3 : “My Daily Routine”

Annyeong! Kumusta naman ang life sa ilang linggo na under Enhanced Community Quarantine (ECQ) pa din tayo? Tulad ko din ba kayo na naiinip na at namimiss na ang normal life natin bago ang quarantine?

ICYMI : HOW ARE YOU SPENDING YOUR QUARANTINE DAYS?

Simplehan ko na lang ang blog post na ito, dahil paulit-ulit lang naman ang ginagawa ko sa araw araw habang tayo ay nanatili sa loob ng pamamahay dahil sa ECQ.

My Daily Routine during ECQ :

*MORNING*

  • Gigising bago mag 8AM para mag time-in online for our daily attendance sa work.
  • Check ng work email.
  • Timpla ng Coffee
  • Eat Breakfast (depende kung nagluto si Mama)
  • Check/Updates Social Media Accounts
  • Watch Asianovela Channel (Trip ko lang panuorin ulit yung mga Kdrama na napanuod ko, this time Tagalog-dubbed naman)
  • Work.Work.Work

*AFTERNOON*

  • Lunch Time (“Mangan Na” magic word ni Mama, ibig sabihin ready na ang foods)
  • Work.Work.Work
  • Check/Updates Social Media Accounts
  • Read/Write/Update Blog
  • Other Activities (maligo, maglinis, maglaba, kumain, etc. depende kung gaano kadami ang office work, pero usually first week lang ang busy time)
  • 5PM Time-out na sa work

*EVENING*

  • Wait lang ng magic word na “Mangan Na” para dinner time na.
  • Check/Updates Social Media Accounts
  • K-DRAMA TIME (my favorite time of the day)

 

Araw-araw ganyan lagi ginagawa ko. Kaya naman nabobored na ko. Namimiss ko na yung nakikipagsiksikan ako sa LRT at MRT, yung nakikipagchismisan ako sa mga officemates ko habang kumakain kami ng chichirya. Gusto ko na din ulit umattend ng fan meeting ni Oppa, umuwi ng Pampanga, at gumala with friends.

 

Buti na lang may Blogging Challenge ang Bloggers PH kahit papaano may nadagdag sa usual na ginagawa ko. At ang post na ito ang entry ko for Day 3.

BLOGGING CHALLENGE

 

Let’s connect!

Facebook | Instagram | Twitter | Pinterest

16 Comments

  • queenlioness15

    Hahahaha. I really can relate to your routine. I’m missing the normal days when we can still do a lot of things and can explore anything. Hoping this crisis will be over soon.

  • Janella Herrera

    “First week lang ang busy time” gave me an idea to schedule my posts for work the first week of the month or first few days of the week. Most of the time kasi too tired na ko para manuod ng series at night huhu

  • dawnlyndelle

    Ilocano po kayo? Hehe. “Mangan” is kain po kasi in Ilocano hehe (I’m not Ilocano but I can speak a bit) 🙂 Bet ko yung favorite time ninyo hehe. ako naman basta after work is my favorite time hehe

  • JEN

    huhuhu buti ka pa ang dami mong nagagawa during this quarantine, ako work, eat, sleep and a littl ebit of social media lang

  • Anie Ordillo

    Yung ‘magic word ni Mama: MANGAN NA’ na-i-imagine ko yung thick Kapampangan accent ni Mama mo 😁 Medyo challenge sa akin ang mga bagay-bagay during this quarantine. I especially miss the hustle and bustle inside my classroom. But I’m glad you managed to stick to a routine that feels safe and comfortable to you. Also, KDrama rule! 🤣🤣🤣

  • Homebound Mom

    Parang ang dami mo pa din nagagawa at naiisingit mo pa ang KDrama. waaah!

    As usual, hindi na naman ako nakasali sa Blogging Challenge. haha pwede pa ba humabol?

  • My Onni You

    Ang dami mo na gagawa sa isang araw samantalang ako parang feeling ko wala. Nakakatuwa din yung Mangan haha. Naintindihan ko siya kasi medyo may kapampangan din sa banda namin

  • jayresa03

    Are you from Pampanga sis? I’m from Pampanga too! I think you have your fam with you in the metro am I right?

    Anyway, ganyan na ganyan sked ko before. But I’m a mom now so everything includes the children. Cook for the kids, feed them, dress them, play time and a whole lot more. Even ngayong ecq, walang break. 😂

  • www.WanderWoMom.com

    ang dami mo nagagawa sa isang araw. nakakahiya naman yung paghilata ko hahahahahahhaha!! tapos parang mostly nagagawa ko lang sa maghapon maghugas ng pinggan nakakasuya hahaha

  • Travel with Karla

    Di ko namimiss makipagsiksikan sa public transportation haha! Actually natatakot na ko magbyahe. Magbubukas na daw trains sa May 16. I hope di ganun kalala ang 2nd wave.

    • Fangirl Clang

      Magproprovide ng transpo yung company namin, ayaw muna kami pagbyahe ng public transport. Kaya malamang WFH pa din ako kasi malayo ako.

Leave a Reply