RANDOMNESS

Blogging Challenge Day 1: “Meet My Pet”

Ilang linggo pa bago matapos ang ECQ at sa totoo lang inip na inip na ko sa bahay. Kaya naman para mabawasan ng konti ang boredom ko, sumali ako sa Blogging Challenge ng grupong Bloggers PH. At ang theme for Day 1 ay “Meet my family/pet”.

 

Gusto kong ipakilala sa inyo ang aming Bebedog na si “Coco”. At ano nga ba ang mga katangian ng aming furbaby?

BLOGGING CHALLENGE DAY 1: "MEET MY PET"

Si Coco ay isang PomSpitz na pinanganak noong December 18, 2016 at February 15, 2017 naman nang mapunta siya sa amin. Parang kelan lang ang liit pa niya at ngayon nakakatatlong taon na pala namin siyang nakakasama.

BLOGGING CHALLENGE DAY 1: "MEET MY PET"
Puppy pa si Coco

Ano nga bang klaseng doggie si Coco? Gustong-gusto niya na hinahawakan ang kanyang tiyan. Seloso si Coco. Malambing siya lalo sa Nanay ko. Mahilig makipaglaro si Coco. Ayaw mapag-isa ni Coco. Madalas din magalit si Coco kapag niloloko siya.

 

Narito ang ilang mga pictures at videos upang makilala pang mabuti si Coco:

SI COCO AY MAHILIG MATULOG

(Mas masarap ang tulog niya kung nasa sofa or kama siya at gusto niya din ang nasa Aircon room)

BLOGGING CHALLENGE DAY 1: "MEET MY PET"

AYAW NI COCO NA MALIGO

(Marinig pa lang niya ang salitang “Ligo” di na niya alam kung ano ang gagawin niya)

View this post on Instagram

Ayaw ko ngang maligo eh! ๐Ÿ˜œ #Coco #Dogstagram

A post shared by Clang Clang (@claisarica) on

SI COCO AY PASAWAY

(Ayaw niya nakakakita ng ibang tao sa bahay. May mga oras na galit na galit siya kapag nilalapitan namin siya.)

MATAKAW SI COCO

(Madaling siyang utuin kapag may hawak kang pagkain.)

SI COCO AY BALIW

(Di namin alam kung anong trip niya at kung anu-ano ang pinaggagawa niya)

View this post on Instagram

Anong ginagawa mo Coco? ๐Ÿ˜… #dogstagram

A post shared by Clang Clang (@claisarica) on

 

Yan si Coco, ang aming laruan, ang aming bunso, ang aming Bebedog!

View this post on Instagram

Coco ! ๐Ÿ• #instadog

A post shared by Clang Clang (@claisarica) on

YOU MIGHT ALSO WANT TO READ :ย HOW ARE YOU SPENDING YOUR QUARANTINE DAYS?

 

Letโ€™s connect!

Facebook | Instagram | Twitter | Pinterest

8 Comments

Leave a Reply